PBA | Elasto Painters, wagi kontra NorthPort; 120-98

Manila, Philippines – Tinambakan ng Rain or Shine Elasto Painters ang NorthPort sa score na 120-98 sa nagpapatuloy na PBA Governors’ Cup.

Nanguna sa Elasto Painters si Chris Tiu na nakapagtala ng 23 points.

Mayroon namang tig-21 points sina Beu Belga at Terrence Watson.


Ayon kay Rain or Shine coach Caloy Garcia, naging maganda ang pagsisimula ng kanilang laro dahil sa matinding depensa.

Facebook Comments