NANLABAN | 2 holdaper patay sa engkwentro

Quezon City – Binawian ng buhay ang dalawang umano ay holdaper matapos makipagbarilan sa mga otoridad sa Mangga Street kanto ng Rosalio Street Barangay Kaunlaran Quezon City.

Wala pang pagkakakilanlan ang mga lalaking suspek pero base sa CIDG-QC posibleng ang mga ito ang nasa likod ng serye ng holdapan sa nabanggit na lugar.

Ayon kay Police Chief Inspector Jovie Caise, sunod-sunod ang natatanggap nilang reklamo kaugnay sa holdapan sa lugar kaya at binantayan nila ang Aurora Boulevard sa loob ng isang linggo.


Nakapansin sila ng 4 na lalaking nakatambay sa gilid ng kalsada.

Nilapitan nila ito at tumakas papuntang Sta. Mesa gamit ang motorsiklo.

Gayunman hindi pa sila nakakalayo nagpaputok ang riding in tandem criminal kaya at nagpaputok na rin ang mga otoridad.

Patay ang dalawa sa mga suspek at narekober sa encounter scene ang 2 kalibre 38 na baril at mga pakete ng suspected shabu.

Facebook Comments