Kinumpirma ni Philippine Basketball Association (PBA) Board Chairman Ricky Vargas na gagastos ang PBA ng halos P65 milyon para sa bubble na itinakda na gagawin sa Clark, Pampanga para sa muling pagsisimula ng liga ngayong Oktubre habang nagpapatuloy ang pandemya dahil sa COVID-19.
Ayon kay Vargas, kailangan maglabas ang liga ng milyun-milyong pera para matugunan ang mga pangangailangan tulad ng tirahan at pagkain ng mga koponan.
Dagdag pa niya, nakabawas din sa gastos ang nakuha nilang libreng testing kits na kailangan ng mga manlalaro bago sumabak sa liga.
Matatandaang una nang itinanggi ng mga board at ni Commissioner Willie Marcial na kung magkano ang gagastusin ng PBA sa pagtatayo ng bubble na tulad sa konsepto ng NBA na ginaganap ngayon sa Walt Disney World sa Orlando, Florida.