Joshua Garcia, sinagot na ang mga netizen na kumuwestiyon sa kaniyang biglaan pagpayat

90

Sinagot na ni Joshua Garcia ang puna ng mga netizen sa kaniyang pangangatawan, partikular ang biglaan niyang pagpayat.

Kasunod ito sa mga komento na nagsabing baka raw gumagamit ng iligal na droga, parang may sakit at nagmukang natuyot ang aktor.

Say ni Joshua, nasobrahan siya sa pag-eehersisyo kaya bumagsak ang kaniyang katawan.

Aniya, isa rin sa dahilan ang iniinom niyang vitamins na nakaapekto sa kaniyang metabolism.

Dagdag pa ng aktor, noong lockdown kasi ay naging habit na niya ang mag-exercise tulad ng pag-jo-jogging sa kanilang village para umiwas sa pagkabagot.

Facebook Comments