PBA, hindi kukuha ng import sa kanilang pagbabalik-laro

Malaki ang posibilidad na walang mga import na kukunin ang Philippine Basketball Association (PBA) sa oras na sila ay magbalik-laro.

Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, hanggang wala pang bakuna laban sa COVID-19 ay mahihirapan silang magdala ng mga import sa bansa.

Posibleng takot din aniya ang mga import na bumiyahe sa Pilipinas pati na rin ang mga local players dahil sa posibleng pagkahawa sa sakit.


Sa ngayon, naghahanda na ang PBA sa pagbabalik ng mga laro na posibleng maganap sa Hulyo.

Facebook Comments