Pinagbawalan ng Philippine Basketball Association (PBA) na maglaro bilang import sa Shiga Lakestars sa Japan Professional Basketball League si NLEX Road Warriors star guard Kiefer Ravena.
Ito ang naging desisyon ng PBA matapos ang pagsali ni Kiefer sa naturang grupo.
Sinabi ni PBA Chairman Ricky Vargas, dapat igalang ni Kiefer ang kanyang kontrata sa NLEX Road Warriors at mga patakaran sa liga.
Aniya, dapat pag-aralan ni Kiefer ang pinirmahang kontrata sa PBA at NLEX kahit pumirma na ito sa Japan Team.
Dagdag pa ni Vargas, agad nilang susulatan ang Japanese League at Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa naging desisyon nila.
Ipinaalala ni Vargas ang nakasaad sa Uniform Player’s Contract (UPC) na nagsasabi sa kaniyang pangako sa NLEX Road Warriors at PBA.
Sa huli, pagdidiin ni Vargas na hindi talaga nila palalampasin ito dahil kailangan sundin yung mga nakasaad sa kontrata na pinirmahan ni Keifer at mga patakaran ng PBA.