PBA | Hotshots, isang panalo na lang para makuha ang kampeonato

Abanse na sa serye ng PBA Governors Cup Finals ang Magnolia Hotshots matapos nilang talunin ang Alaska Aces sa game-5.

Tinalo ng Hotshots ang Aces sa score na 79-78 at nanguna sa panalo ng Magnolia sina Ina Sangalang na may 20-points at Paul Lee na may 11-points at 10-rebounds.

Isang jumpshot ni Lee ang naging dahilan ng kanilang pagkapanalo kung saan aminado siya na hindi pa rin siya makapaniwala sa nagawa.


Dahil dito, isang panalo na lamang ang kailangan ng Magnolia para makuha ang kampeonato sa PBA Governors’ Cup.

Facebook Comments