Lolo sa Roxas, Isabela, Arestado dahil sa Panggagahasa!

*Roxas, Isabela-* Arestado ang isang lolo na wanted sa batas matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito dahil sa Brgy Muñoz West, Roxas, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Ananias Rivera, 61 anyos, magsasaka at residente ng naturang lugar.

Batay sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, inaresto ng mga kasapi ng PNP Roxas si Rivera sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Bernabe Mendoza ng RTC Branch 23 Roxas, Isabela dahil sa kasong Statutory Rape.


Walang inilaang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Rivera.

Dinala na sa Roxas Police Station ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments