PBA, inihayag na posibleng papasukin ang mga fully vaccinated na kontra COVID-19 sa muling pagsisimula ng season

Inihayag ni PBA Commissioner Willie Marcial na posibleng makapasok ang mga manunuod sa loob ng playing venue sa muling pagbubukas ng season ng PBA.

Sinabi ni Marcial na maaari ito kung fully vaccinated na kontra COVID-19 ang mga nais manood ng live.

Ayon pa kay Marcial, depende pa rin ito sa magiging sitwasyon ng pandemya sa bansa.


Aniya, ang mga manunuod ay maaaring makapasok sa venue simula sa semi-finals ng second conference ng darating na season.

Dagdag pa ni Marcial, inaasahan niya na ang lahat ng mga manlalaro ay fully vaccinated na pagdating sa Hulyo.

Sa ngayon, hinihingi pa rin ng PBA ang direktiba mula sa Inter-Agency Task Force (IATF) para sa planong pagsisimula ng season sa Hulyo.

Facebook Comments