Yeng Constantino, patuloy na bumabalik sa kaniyang “Passion”

“Im taking my time to rest”.

Ito ang pag-amin ng singer at songwriter na si Yeng Constantino matapos mawala ang kaniyang passion sa pagsusulat ng kanta.

Say ni Yeng, sinusubukan niyang bumalik sa pagsusulat ng kanta dahil sa ngayon ay nahihirapan na raw siyang gawin ito.


Ayon pa kay Yeng, naisip niyang paraan para bumalik ang gana niya sa musika ay ang pagla-livestream sa Facebook kasama ang kaniyang mga kaibigan.

Aniya, dalawang linggo na niya ito ginagawa kung saan tinutugtog ang mga kantang minahal niya noong bata pa siya.

Dagdag pa ni Yeng, naniniwala siya na malalampasan niya itong problema dahil kasama niya palagi ang Panginoon.

Sa huli, sinabi rin ni Yeng na malaking tulong na isinapuso at binalikan niya yung mga pinagdaanan bago makamit yung mga pangarap at magkaroon ng pangalan sa industriya ng pagkanta.

Facebook Comments