PBA | June Mar Fajardo, posibleng masungkit ang ika-5 MVP awards

Manila, Philippines – Malaki ang tsansa ni San Miguel Beermen Star June Mar Fajardo na makuha ang kanyang ikalimang sunod na PBA MVP award.

Ito ay matapos na maitala ni Fajardo ang pinakamataas na Statistical Points (SP) average na ibinase sa pagtatapos ng quarterfinals ng commissioner’s cup.

Nakakauha si June Mar ng 29.6 statistical points sa loob ng 34 laro sa nagpapatuloy na 2018 PBA season.


Kung magkataon, si Fajardo ang kauna-unahang PBA player sa kasaysayan na mag-uuwi ng limang sunod na MVP trophies.

Facebook Comments