PBA Legend Samboy Lim dumalo sa graduation ng anak nang naka-wheelchair

887
Image via Lolit Solis Instagram page

Sa kabila ng kondisyon, dumalo pa din si PBA Legend Samboy “The Skywalker” Lim sa graduation ng kanyang anak sa University of the Philippines (UP) Diliman nitong Sabado, Hunyo 29.

Nagtapos si Jamie Christine Berberabe Lim bilang Summa Cum Laude sa kursong Bachelor of Science (BS) in Mathematics.

Taong 2014, na-comatose si Samboy matapos bumagsak habang naglalaro sa isang exhibition game.


Kahit nakarekober, nananatiling nasa wheelchair at bed-ridden ang dating star player ng San Miguel Beermen.

Pumunta rin sa graduation ceremony ang nanay ni Jamie na si Atty. Darlene Berberabe, dating pinuno ng PAGIBIG fund.

Facebook Comments

From Advertisers