PBA | Mark Pingris, anim hanggang walong buwang hindi makakalaro

170

Manila, Philippines – Matatagalan pa bago makabalik sa hardcourt si Magnolia Star Marc Pingris.

Ito ay dahil sa tinamo niyang Anterior Cruciate Ligament (ACL) injury.

Ayon sa governor ng Magnolia na si Rene Pardo – nakausap niya ang orthopedic surgeon na tumingin sa injured na tuhod ni Pingris at sinabing kailangan niya ng pangmatagalang gamutan.

Nakatakda siyang isailalim sa operasyon at posibleng tumagal ng anim hanggang walong buwan ang kanyang pagpapagaling.

Facebook Comments