PBA, nagbanta na parurusahan ang mga lalabag sa ipapatupad nilang protocol sa mga ensayo

Nagbanta si Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner Willie Marcial na pagmumultahin ng aabot sa P100,000 at 10 araw na suspesyon sa mga lalabag na mga ipapatupad nilang safety and health protocols sa mga scrimmages at practice game ng bawat team.

Ayon kay Marcial, nais nila ang mas istriktong protocol para sa lahat ng manlalaro at coaching staff sa oras na bumalik na ang pag-eensayo ng mga koponan.

Aniya, nais din niya maging successful ang practice ng bawat team.


Diin pa ni Marcial, sana maintindihan ng bawat koponan ang gagawin nilang mga hakbang kontra sa nakakahawang sakit na COVID-19.

Matatadaan, inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang hiling ng PBA na magsagawa ng mga scrimmages at practices sa mga lugar ng nasa General Community Quarantine (GCQ) at Modified General Community Quarantine (MGCQ).

Facebook Comments