Manila, Philippines – Kahit wala ang kanilang head coach na si Yeng Guiao, positibo pa din ang NLEX Road Warriors na mananalo sila mamaya sa opening game ng PBA Governors Cup.
Makakalaban ng NLEX ang TNT mamayang alas-7:00 ng gabi kung saan lumakas ang kanilang line-up sa pagbabalik ng sharp shooter na si Larry Fonacier at ang madiskarteng pointguard na si Alex Mallari.
Aoyn kay interim coach Adonis Tierra, mas lalong lumakas ang kasalukuyang line-up ng Road Warriors dahil sa pagbabalik ng dalawang player kung saan sasandal din sila sa kanilang import na si Olu Ashaolu.
Dagdag pa ni Tierra, inspired din daw ang kanilang mga manlalaro dahil sa galing sa diskarte na ipinakita ng kanilang coach na si Guiao sa paghawak sa national team na tinambakan ang Kazahkstan sa score na 96-59 sa unang game ng national squad sa 2018 Asian Games.