WAGI | Jordan Clarkson, bumilib sa galing ng mga Pinoy

Indonesia – Humanga si Fil-Am Jordan Clarkson sa galing ng mga Pinoy basketball players matapos nilang tambakan ang Kazakhstan sa unang game ng national team sa 2018 Asian Games.

Nabatid na tinambakan ng Pilipinas ang kalaban sa score na 96-59 at kahit hindi niya napanood nang buo ang laban ng kanyang mga teammates, natuwa naman ito sa kanyang nakita.

Bukod dito, nasasabik na rin daw si Clarkson sa kanyang first time na pagsuot ng national tri-colors.


Matapos naman ang laro ng Pilipinas, nakasama na nila si Clarkson sa practice kung saan kanila nang pinaghahandaan ang team ng China sa darating na August 21 (Martes).

Facebook Comments