PBA, pinalawig ang deadline para sa 47th season annual rookie draft

Pinalawig ng Philippine Basketball Association (PBA) ang deadline ng draft application para sa mga aspiring league rookies.

Ayon sa PBA, sa halip sa May 2, 2022 ang huling araw, maaari pang sumali ang mga aplikante sa draft hanggang sa May 7.

Nabatid na ang 47th season annual draft ay itinakda sa May 15.


Ayon pa sa PBA, ang mga local applicants ay kailangan lang na makapagpasa ng kopya ng kanilang birth certificates, habang ang Fil-foreign players ay kailangan na makapagsumite ng valid passport alinsunod sa Affirmation ng Bureau of Immigration Certificate of Recognition at Department of Justice (DOJ).

Kaugnay nito, ang draft ay bukas para sa mga manlalaro na 22-taong gulang pataas o 19 na taong gulang na may minimum na dalawang taon na college education.

Facebook Comments