Mccoy De Leon, malaki ang pasasalamat kay Elisse matapos dumating sa buhay niya

Inamin ng aktor na si Mccoy De Leon na nakaranas siya noon ng sakit na depresyon.

Sa Instagram post ni Mccoy, ibinahagi ng aktor ang isang maiksing clip mula sa kanilang bagong pelikula ng kaniyang real-life leading lady na si Elisse Joson kung saan makikitang pareho silang emosyonal.

Ayon sa aktor, malaki ang epekto para sa kaniya ang kanilang pelikula dahil naalala pa niya ang panahong na-diagnose siya sa sakit na depresyon noong 2020.


Aniya, nakangiti lamang siya noon pero para sa kaniya hindi na niya kinakaya ang mga bagay na kaniyang pinagdaraanan.

Pag-amin pa ni Mccoy, dumating sa punto na hindi na siya nakakatulog ng maayos, palaging umiiyak at malapit nang sumuko sa buhay.

Kaya naman malaki ang pasasalamat ni Mccoy dahil dumating sa buhay niya si Elisse na tumulong para gumaling sa kaniyang sakit.

Facebook Comments