PBA | Ray Parks Jr., hindi makakadalo sa PBA Rookie Draft; Alex Mallari, pinamigay na

Hindi makakapunta ang isa sa mga top picks na si Rey Parks Jr. sa gagawing 2018 PBA Rookie Draft sa Linggo.

Nabatid kasi na may laro si Parks kasama ang Alab Pilipinas kontra CLS Knights sa Asean Basketball League na gaganapin sa Indonesia.

Pumayag naman si PBA Commissioner Willie Marcial sa sitwasyon ni Parks kung saan inaprubahan din nito ang trade sa pagitan ng NLEX Road Warriors at Phoenix Fuel Masters.


Ipinamigay ng Road Warriors si Alex Mallari sa Fuel Masters kasama si Dave Marcelo kapalit ng no. 4 pick nila sa draft.

Wala naman daw sama ng loob si Mallari at Marcelo dahil alam nila na parte ito ng kanilang trabaho bilang professional players.

Facebook Comments