MISS UNIVERSE | Catriona Gray, hinangaan sa kanyang pagrampa

Game na game na rumampa si Catriona Gray sa preliminary competition ng Miss Universe sa Thailand.

Nagsigawan ang mga fans nito ng lumabas na ang pambato ng Pilipinas na suot ang kaniyang pink swim wear kung saan hinangaan ng mga netizens ang “walk and stare” na rampa ni Catriona.

Nabatid na pipilipiin ng mga judges ang top 20 semifinalist sa 94 na mga contestants at ito ay iaanunsiyo kasabay ng coronation night sa December 17.


Samantala, humingi na ng despensa sina Miss Colombia-Valeria Morales, Miss USA-Sarah Summers at Miss Australia-Francesca Hung matapos nilang ma-bully si Miss Cambodia- Nat Tern dahil sa hindi ito gaanong magsalita ng English language.

Pinatawad naman ni Miss Cambodia ang tatlo at umaasa siya na hindi na ito mangyayari pa sa kapwa niya kandidata.

Facebook Comments