Manila, Philippines – Kakausapin ng Rain or Shine Elato Painters ang kanilang player na si Raymond Almazan para malaman ang plano nito matapos na bumalik sa bansa.
Nais malaman ng Elasto Painters ang dahilan ng pagkawala ni Almazan ng mahigit dalawang linggo kaya at nadamay ang performance ng kanilang team.
Pero isa sa mga malapit kay Almazan ang nagsabi na nagkaroon daw sila ng hindi pagkaka-unawaan ng kaniyang coach na si Caloy Garcia kaya at nawawalan ito ng gana na maglaro.
Aalamin naman ng pamunuan ng Elasto Painters ang nasabing isyu pero kahit pa biglang nawala, wala naman daw silang planong i-trade si Almazan kung saan anim na koponan ang interesado na makuha ang serbisyo nito.
Facebook Comments