PBA Season 46 Philippine Cup, planong gawing semi-bubble

Plano ng Philippine Basketball Association (PBA) na gawing semi-bubble ang Season 46 Philippine Cup na gaganapin sa Abril 18 sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, magsasagawa ang board ng meeting pagtapos ng Holy Week para pag-usapan ang gagawing plano para sa pagdaraos ng liga.

Aniya, mas prayoridad kasi nila ang semi-bubble o ang home-gym-home format na mas mura kumpara sa full bubble.


Pero kung hindi talaga maiiwasan dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19, mapupwersa aniya silang pumasok sa full-bubble setup para maidaos ang liga.

Una nang gumastos ang liga ng P65 milyon para sa Season 45 Philippine Cup noong nakaraang taon sa isang full bubble setup sa Clark, Pampanga.

Facebook Comments