Lalaking lumabag sa curfew, nahulihan ng patalim

13

Malinao, Aklan – Kulong ang isang lalaki matapos na lumabag sa curfew at nahulihan pa ng patalim kagabi sa Brgy. Tambuan, Malinao, Aklan. Nakilala ang suspek na si Benjie Prado, 46-anyos at residente rin ng nasabing lugar. Sa report ng Malinao PNP, na habang sila ay nagpapatrolya mga alas 11:15 kagabi ay kanilang nakasalubong ang suspek sakay ng motorsiklo na minamaneho ng kanyang anak at kanilang pinara. Galing daw sa isang birthday celebration sa Tangalan ang dalawa. Iisyuhan na sana sila ng citation ticket sa paglabag sa curfew pero napansin ng mga pulis na may bumubukol sa tagiliran ng suspek at ng tingnan ay nakita ang patalim na may haba na 14 pulgada. Posibleng mahaharap sa kasong paglabag sa Batas Pambansa Numero 6 ang suspek maliban pa sa babayarang multa.

Facebook Comments