Sisikapin ng pamunuan ng Philippine Basketball Association (PBA) na makapagsagawa ng regular na tatlong conference na schedule para sa kanilang ika-46 season.
Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, ilan sa mga importanteng ikinokonsidera ay ang availability ng bakuna na posibleng magdetermina kung maaaring kumuha ng import ang mga kuponan sa 2021.
Pagtitiyak naman ni Marcial, ooblihagin ng PBA ang lahat ng mga players na magpaturok ng bakuna sa oras na maging available na ito.
Nabatid na batay sa ulat, umabot sa 65 hanggang 70 milyong piso ang nagastos ng PBA sa Bubble sa gitna ng COVID-19 pandemic kung saan maraming manlalaro din ang nagpositibo sa sakit.
Facebook Comments