Aktres na si Janine Gutierrez, itinanghal na best actress sa FAMAS Digital 2020 awards

Labis ang pasasalamat ng aktres na si Janine Gutierrez matapos tanghalin na best actress sa Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) Digital 2020 awards.

Ito ay para sa pelikulang ‘Babae at Baril’ kung saan maliban sa Best Actress award ay samu’t saring pagkilala rin ang natanggap ng pelikula tulad ng; Best Production Design, Best Cinematography, Best Film Scoring at Best Editing.

Sa Instagram post ng aktres, ipinahayag nito ang labis na kagalakan at pinasalamatan din ang bumubuo ng FAMAS.


Sa pelikulang ‘Babae at Baril’, ginagampanan ni Janine ang isang karakter na department store saleslady na biglang nagbago ang buhay matapos makakita ng kakaibang baril sa pintuan ng kaniyang bahay.

Facebook Comments