PBA | SMB, target na walisin ang Aces mamayang gabi sa Antipolo

Manila, Philippines – Target ng San Miguel Beer na tapusin na ang kanilang serye kontra Alaska Aces sa paghaharap nila sa game 3 ng semifinals ng PBA Commissioner’s Cup sa Antipolo City mamayang ala-7 ng gabi.

Lamang ang defending champion San Miguel Beer, 2-0 at isang panalo na lamang ang kailangan nila para umusad sa finals.

Unang nakansela ang laro ng SMB at Alaska noong Miyerkules dahil na rin sa malakas na ulan at pagbaha sa ilang lugar sa Metro Manila.


Samantala, tabla naman sa 1-all ang bakbakan ng Barangay Ginebra at Rain or Shine. Nanalo kasi kagabi ang Elasto Painters laban sa Gin Kings, 109-100.

Facebook Comments