2 katao arestado ng PDEA ARMM, 3.5 Million Pesos na halaga ng Shabu nakumpiska

Kalaboso ang dalawang indibidwal na pinaniniwalaang sangkot sa malawakang bentahan ng droga sa Central Mindanao sa isinagawang buy bust operation ng PDEA ARMM katuwang ang AFP at DOS PNP pasado alas 4 kahapon ng hapon sa Tenorio Area.
Kinilala ang mga drug suspects na sina Ramid Baos Depatuan at Ken Angon Kalaing, mga residente ng Baseco, Metro Manila. Nakumpiska sa mga ito ang tinatayang nasa humigit kumulang sa 500 gramo ng shabu na may street value na 3.5 Million Pesos.
Sinasabing matagal ng sinusubaybayan ang mga naarestong suspek. Nagpanggap na buyer ang isang agent ng PDEA kahapon at ng magkaabutan ng 100 thousand pesos ay dun na ikinasa ang operasyon.
Kasalukuyang himas rehas na sa lock up cell ng PDEA ARMM ang mga suspeks at nahaharap na sa mga kaukulang kaso.
6th ID PIC

Facebook Comments