PBA | TNT Katropa, planong i-revised ang trade sa Globalport Batang Pier para makuha si Terrence Romeo

PBA – Plano ngayon ng TNT Katropa na i-revised ang naging proposal nila noon sa Globalport Batang Pier na trade sa pagitan nina Terrence Romeo at Mo Tautuaa na unang ni-reject ng PBA Commissioner’s Office.

Kasunod ito nang naging sagutan nina Globalport Coach Pido Jarencio at Rromeo sa huling laban nila kontra Magnolia Hotshots kung saan natalo sila sa score na 86-79.

Naging interesado kasi ang Katropa kay Romeo sakaling magkaroon ng malaking pagbabago sa Batang Pier kaya’t bukod kay Tautuaa, plano ng tnt na isama sa trade si Alfrancis tamsi kapalit naman ni Globalport Bigman Bradwyn Guinto.


Nabatid na ipapasa na ang nasabing proposal kay PBA Commissioner Willie Marcial at nasa kaniya na ang desisyon kung aaprubahan ito.

Facebook Comments