PBA | Vernon Macklin – huling laro na sa Magnolia sa Biyernes

Manila, Philippines – Huling laro na sa Biyernes ni veteran import Vernon Macklin para sa Magnolia Hotshots.

Base sa Twitter post ng agent niyang si Sheryl Reyes – inalok ng kontrata sa NBL China si Macklin.

Malungkot man sa pag-alis sa Hotshots, hindi raw niya kayang palampasin ang magandang offer sa China para na rin sa Kanyang Future.


Si Macklin ay may average 22 points, 15 rebounds at 2 assist.

Bukas, inaasahang maglalaro pa laban sa Columbian Dyip si Macklin bago ang hulong laro nito para sa Hotshots sa Biyernes kontra Meralco Bolts.

Wala pang inaanunsyong kapalit ni Macklin ang Magnolia.

Facebook Comments