PBA | Willie Marcial, opisyal nang mauupo bilang full-time Commissioner

PBA – Opisyal nang mauupo bilang full-time Commissioner ng PBA si Willie Marcial.

Matatandaan na pansamantalang itinalaga bilang Officer In Charge si Marcial matapos na magbitiw sa pwesto si dating Commissioner Chito Narvasa Jr. matapos na hindi na pinalawig pa ang kaniyang termino.

Nabatid na nagkaisa ang mga miyembro ng PBA board na i-appoint si Marcial sa puwesto na tatagal ng hanggang tatlong taon.


Mananatili pa ring media head ng PBA si Marcial at hahawakan pa din niya ang “PBA Home court” program kung saan nabibigyan ng pagkakataon ang ilang mga professional players ng liga na mag-ikot sa iba’t ibang basketball courts sa bansa.

Facebook Comments