Naniniwala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na dapat pang mapalakas ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga hakbang sa paghahanda sa harap ng geopolitical issues gaya ng sa West Philippine Sea (WPS).
Ayon sa presidente na bilang may pananagutan para matiyak ang national security, kailangan lang na masiguro ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas na epektibo ang ginagawa nitong mga hakbang para mapigilan ang anumang banta.
Sa harap nito ay siniguro naman ng Chief Executive ang buong suporta ng gobyerno sa militar.
Committed aniya ang kanyang administrasyon na suportahan ang anumang inisyatibo ng Hukbong Sandatahan lalo’t may kinahaharap na usapin ang bansa sa aspeto ng external defense.
Facebook Comments