PBBM at Chinese President Xi Jin Ping, nagkasundo na magkaroon ng direct communication line kaugnay sa isyu sa West Philippine Sea

Napagkasunduan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at Chinese President Xi Jin Ping na bubuo nang direct communication line para maiwasan ang posible pang miscommunication sa isyu sa West Philippine Sea.

Ang dalawang lider ay nagkasundo sa huling araw ni Pangulong Bongbong Marcos sa state visit sa China.

Ang communication line ay bukas sa pagitan ng Maritime and Ocean Affairs Office of the Philippines’ Department of Foreign Affairs (DFA) at ng Department of Boundary and Ocean Affairs of the Ministry of Foreign Affairs ng China.


Para sa dalawang lider, mahalaga ang Foreign Ministry and Consultations at ang Bilateral Consultation Mechanism on the West Philippine Sea.

Kapwa nagkasundo rin ang dalawang lider na papahalagahan ang Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC) para mapanitili ang peace and stability sa West Philippine Sea.

Facebook Comments