Halaga ng pinsalang dulot ng shearline sa agrikultura at imprastraktura, nadagdagan pa

Lumobo pa sa higit ₱515-M ang pinsalang dulot ng pag-ulan dala ng shearline sa agrikultura at imprastraktura sa ilang rehiyon sa bansa.

Batay sa pinakabagong tala ng Office of Civil Defense (OCD), umakyat sa ₱268,565,000 ang halaga ng pinsalang dulot nito sa imprastraktura at P247,099,849 ang pinsala sa agrikultura.

Habang 5,152 kabahayan naman bilang ng napinsala nito, 5 kalsada at 3 tulay ang hindi pa rin madaanan ng mga sasakyan.


Kaugnay nito, nanatili pa rin sa 52 ang bilang ng naitalang nasawi, 16 ang nasaktan at 18 ang nawawala hanggang ngayon.

Facebook Comments