Matutuloy ang bilateral meeting nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at ni Chinese President Xi Jinping.
Magaganap ang pulong ng dalawang lider alas-singko y medya ng hapon dito sa Bangkok, Thailand at alas-sais y medya naman ng gabi sa Pilipinas.
Sa ngayon, wala pang detalye ang Office of the Press Secretary kung ano ang partikular na pag-uusapan nina Pangulong Marcos at ni President Xi pero sa nakalipas na ASEAN Summit ay iginiit ng pangulo sa kanyang intervention na kailangang magkaroon ng agarang konklusyon sa Code of Conduct (COC) patungkol sa South China Sea.
Urgent ayon sa pangulo na maisapinal na ang COC.
Ang pulong mamaya ng pangulo at ni Chinese President Xi ay isa lamang sa anim na nakalinyang bilateral meeting nito na sidelines sa kaniyang pagdalo sa APEC Summit sa Bangkok, Thailand.
Bukod Kay President Xi ay wala pa namang inanunsiyo ang Palasyo sa kung sino pa ang iba pang world leaders na makaka-bilateral meeting ni Pangulong Marcos Jr.