Nagkaroon ng komprehensibong talakayan sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at Chinese President Xi Jinping sa kanilang kauna-unahan at historical bilateral meeting kagabi sa Bangkok, Thailand.
Natalakay kasi ng dalawang lider ang pagpapalakas pa ng relasyon ng Pilipinas at China, partikular ang usapin sa Agrikultura, enerhiya, Imprastratura at People to people connections.
Ang pag-uusap ng dalawa ay sidelines sa ginaganap na Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Bangkok, Thailand.
Sinabi naman ni House Speaker Martin Romualdes sa isang panayam sa Thailand na mahalaga ang mga pinag-usapan ng dalawa lalo’t ang global power ay isang malaking trading partner at major source ng investment.
Una nang nanawagan si Pangulong Marcos sa pagdalo nito sa ASEAN Summit sa Cambodia sa kanyang mga kapwa heads of state na suportahan ang one China policy habang hinikayat ang China at Taiwan na resolbahin ang isyu sa mapayapang paraan.