PBBM at Justice Secretary Remulla, hindi pa ulit nag-uusap kaugnay sa ICC investigation

Wala pang nagaganap na pag-uusap sa pagitan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at ng Department of Justice (DOJ) patungkol sa usapin sa planong pag-iimbestiga ng International Criminal Court (ICC) sa Pilipinas.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni DOJ Spokesperson Asec. Mico Clavano na hindi pa ulit nagkakausap ang Pangulo at si Justice Sec. Boying Remulla matapos ang pahayag si Pangulong Marcos sa resolusyong isinusulong sa Kamara.

Ngunit ayon kay Clavano, dati ay marami nang napag-usapan ang dalawa tungkol sa isyu ng ICC.


Matatandaang sinabi ni Pangulong Marcos na mayroong mga options na pag-aaralan ng gobyerno ang posibleng pagbalik ng Pilipinas sa ICC.

Reaksyon nya ito sa resolusyon ng Kamara na nagpapahayag na dapat nang payagan o makipagtulungan ang bansa sa ICC investigations, bagay na tinawag ng pangulo na “not unusual.”

Ayon sa presidente, may problema pa rin pagdating sa hurisdiksyon at soberenya sa usaping ito dahil kumalas na ang Pilipinas sa Rome Statute, kwentyonable kung posible pa ang imbestigasyon ng ICC.

Facebook Comments