Nakauwi na si Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) mula sa dalawang araw na partisipisyon sa 42nd Asssociation of Southeast Asian Nations o ASEAN summit sa Labuan Bajo, Indonesia.
Ala-6:00 ngayong gabi nang lumapag sa Villamor Airbase ang Philippine Airlines 001 kung saan sakay ang pangulo delegasyon nito.
Sa arrival speech ng pangulo sinabi nitong, sa ginawang ASEAN summit nagpahayag ng suporta ang gobyerno para sa regional security, free trade at multi-lateral trading system gaya nang pagsuporta sa mga nano business at micro, small and medium enterprises MSMEs.
Natalakaya dina niya ang pagkakaroong ng energy at food security at kung paano malalaban ang masamang epekto ng climate change.
Ayon pa sa pangulo nagpahayag rin ng suporta ang Pilipinas sa ASEAN institutions, pagpapanatili sa pagsunod sa international law at pagsuporta sa pagkakaroon nang kapayapaan sa Myanmar dahil sa political faction.
Napahayag rin ang pangulo ng concern sa humanitarian crisis dahil sa nangyayaring giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia sa ginanap na ASEAN summit.
Habang inihayag niya rin sa summit na nanatili ang stand ng Pilipinas sa isyu sa South China Sea na pairalin ang peaceful resolution.
Sinabi rin ng pangulo sa ginawang aktibidad ang suporta niya sa Timor-Leste para maging ganap nang miyembro ng ASEAN lalot observer na ito sa 42nd ASEAN Summit.
Sa huli nagpasalamat naman Marcos Jr., kay Indonesian President Joko Widodo dahil sa pagiging hospitable bilang chair ng ASEAN Summit ngayong taon.