Monday, February 23, 2026

PBBM at Mayor Leni, muling nagkita sa Malacañang para sa pagpapatupad ng LGSF sa LGU

Muling nagkita sa Malacañang sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., at Naga City Mayor Leni Robredo, dalawang araw matapos ang kanilang pagpupulong sa Naga City.

Dumalo si Robredo kasama ang iba pang lokal na opisyal para sa paglulunsad ng programang “Sa Bagong Pilipinas, Bawat Bayan Makikinabang,” na nagpapatupad ng Local Government Support Fund (LGSF).

Ngayong taon, naglaan ang pambansang pamahalaan ng ₱82.3 bilyon para sa mga lokal na proyekto sa iba’t ibang panig ng bansa.

Direktang ibibigay ang pondo sa mga lokal na pamahalaan upang pondohan ang kanilang priority projects, kabilang ang seguridad sa pagkain, kalusugan, edukasyon, imprastraktura, at kabuhayan.

Ayon sa Pangulo, may tiwala ang pamahalaan sa kakayahan at karanasan ng mga LGU sa pagpapatupad ng mga programang pinopondohan ng national government.

Kabilang din sa mga dumalo sina Pasig City Mayor Vico Sotto, Batangas Gov. Vilma Santos, at Taguig City Mayor Lani Cayetano, kasama ang iba pang lokal na opisyal mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Facebook Comments