Pasado alas-2:00 ng hapon ng umalis si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., patungo sa China para sa dalawang araw na state visit.
Sa isinagawang departure statement ni Pangulong Marcos sa Villamor Air base, sinabi nitong magtatagal siya ng 48 oras o dalawang araw sa China.
Layunin aniya ng state visit sa China na palakasin ang strategic cooperation partikular ang pagpapalakas ng ugnayan sa sektor ng agrikultura, enerhiya, imprastraktura maging sa trade and investment.
Sinabi pa nito na ang kaniyang pagbisita sa China ay panibagong chapter ng Comprehensive Strategic Cooperation.
Umaasa rin ang pangulo na mapag-uusapan nila ni Chinese President Xi Jin Ping ang isyu sa usapin sa political-security.
Ang pangulo ay una nang inimbitahan ni Chinese Xi Jin Ping na magsagawa ng state visit sa China kaya pinaunlakan ito ng pangulo.