
Darating sa bansa ngayong araw si South Korean President Lee Jae Myung para sa isang state visit.
Ito ang unang pagbisita niya sa Pilipinas mula nang maging pangulo, at unang state visit matapos magkabisa ang Free Trade Agreement o FTA ng Pilipinas at South Korea noong December 31, 2024.
Sasalubungin nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Marcos si President Lee sa Malacañang mamayang hapon.
Magkakaroon ng pagpupulong ang dalawang lider para pag-usapan ang mas malawak na pagtutulungan sa defense, maritime, ekonomiya, development, at ugnayan ng mga mamamayan.
Tatalakayin din nila ang mga isyung panrehiyon at pandaigdig.
Kasabay ng pagbisita ang ika-77 anibersaryo ng diplomatic relations ng Pilipinas at South Korea.
Facebook Comments










