Wala pang kasiguraduhan kung magkakaroon ng pagpupulong sina Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) at si US President Joe Biden sa pagbisita ng pangulo sa Amerika sa susunod na linggo.
Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) office of American Affairs Asec. Jose Victor Chan Gonzaga na patuloy silang kumu-konsulta sa White House at sa National Security Council sa Washington, maging kay Ambassador Jose Manuel Romualdez kaugnay rito.
Sinabi ni Gonazaga, posibleng si Ambassador Romualdez na o si DFA Sec. Enrique Manalo ang mag aanunsyo nito kung magkakaroon ng pagpupulong sina President Marcos at President Biden.
Matatandaan noong Hulyo nang imbitahan ni President Biden si Pangulong Marcos na bumisita sa Amerika, pero wala pang nakatakdang petsa sa nasabing imbitasyon.