Nagkasundo sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at United States Vice President Kamala Harris na magtatrabaho para sa digital inclusion, clean energy economy at seguridad.
Ginawa ng dalawa ang commitment sa isinagawang pagpupulong sa US Naval Observatory sa Washington, DC.
Nagpasalamat din si Pangulong Marcos Jr., kay US Vice President Harris, dahil ito ang nakipag-ugnayan sa tanggapan ni US President Joe Biden kaya nagkaroon ng bilateral talks ang pangulo kay US president.
Para sa pangulo, isang magandang oportunidad para sa Pilipinas at Estados Unidos na ipagpatuloy ang pagpapalakas ng relasyon sa harap na rin ng mga nararanasang paghihirap, mga tensyon sa rehiyon at maging buong mundo.
Samantala, pinuri naman ni US Vice President Harris si Pangulong Marcos Jr., sa effort nitong bigyang prayoridad ang mutual prosperity at security.
Nobyembre nang nakaraang taon nang tumungo sa Pilipinas si US Vice President Harris kung saan tumungo ito sa Palawan.