PBBM, bibigyan ng briefing ngayong araw kaugnay ng nakatakdang pagdalo nito sa ASEAN Summit sa Cambodia

Sasalang sa briefing si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., bilang bahagi ng paghahanda sa nakatakdang pagdalo nito sa Association of Southeast Asian Nations Summits sa Phnom Penh, Cambodia.

Ang partisipasyon ng pangulo sa ASEAN Summit ay nakatakda sa darating na November 10 hanggang November 13.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na muling isasagawa ang ASEAN Summits ng face-to-face magmula ng magkaroon ng pandemic noong 2020 at ito rin ang unang pagkakataon na dadalo si Pangulong Marcos sa nabanggit na event bilang presidente ng Pilipinas.


Ang mga opisyales ng Department of Foreign Affairs o DFA ang magbibigay ng briefing sa pangulo.

Maliban sa ASEAN briefing, mayroon ding isa pang aktibidad ang chief executive sa Palasyo mamayang hapon.

Ito ay ang pakikipagpulong naman sa Chen Yi Agventures na nagkaroon ng malaking papel sa pagtulong sa mga magsasaka kasunod ng pananalasa noong ng Bagyong Yolanda at sinasabing may malawak na kasanayan sa seed procurement, planting, farm management, harvesting at rice production.

Facebook Comments