
Hindi usapin ng soberanya ang pagsuko ng isang akusado sa International Criminal Court (ICC), ayon sa Malacañang.
Ito ang paglilinaw ni Palace Press Officer Claire Castro matapos igiit ni Vice President Sara Duterte na mas mataas ang soberanya ng Pilipinas kaysa sa anumang dayuhang korte o bansa.
Kasunod ito ng desisyon ng Korte Suprema na ibasura ang mga petisyong kumukuwestiyon sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Castro, pinapayagan ng Republic Act 9851 ang pagsuko ng isang akusado sa international tribunal.
Nilagdaan ang batas noong 2009, kung saan kinikilala ang pananagutan sa crimes agains humanity.
Dagdag pa ni Castro, kusang sumali noon ang Pilipinas sa ICC kaya hindi dapat gawing isyu ang soberanya.
Facebook Comments










