PBBM, binati ang Pinay boxer na si Aira Villegas sa nasungkit na bronze medal sa Olympics

Binigyang-pugay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Pinay boxer Aira Villegas sa nasungkit nitong bronze medal sa Paris Olympics.

Tinalo si Villegas ng Turkish boxer na si Buse Naz Cakiroglu sa semifinals ng women’s 50kg boxing event.

Ayon kay Pang. Marcos, isang knockout performance ang ipinakita ni Villegas kung kaya’t ipinagmamalaki at tiyak anyang magsisilbi itong inspirasyon sa mga Pilipino.


Para naman kay First Lady Liza Araneta Marcos, ang mga pinakawalang suntok ni Villegas ay karapat-dapat para sa Olympic medal.

Ito na ang pangatlong medalya ng Pilipinas sa 2024 Paris Olympics sunod sa dalawang gintong medalya na nasungkit ni Carlos Yulo.

Batay sa nakasaad sa batas, ang bronze medal sa Olympics ay may katumbas na 2 milyong pisong cash incentives.

Facebook Comments