PBBM, binigyan ng mabigat na responsibilidad sina Finance Sec. Recto at SAPIEA Sec. Go

 

Opisyal nang iniharap sa media ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga bagong kasapi ng kaniyang economic team.

Ito ay sa katauhan nina Finance Sec. Ralph Recto at Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs Frederick Go.

Sa press briefing sa Malacañang sinabi ni Pangulong Marcos na tiwala siyang magiging makakatotohanan ang mga nakuha niyang pamumuhunan sa mga bansang kaniyang pinuntahan.


Magiging pangunahing papel ni Secretary Go ay siguruhing hindi lamang Memoranda of Understanding at letters of intent ang dapat ilatag sa mga Pilipino sa halip ay maging makatotohanan ito at maramdaman ng mga ordinaryong Pilipino.

Ayon pa sa presidente, tiwala siya na ang mga karanasan ni Go sa pribadong sektor sa nakalipas na tatlong dekada ay magdadala sa bansa ng pag- unlad at ginhawa.

Samantala, para naman kay Sec. Recto, sinabi ng pangulo na hindi na kinu-kwestyon ang kaniyang kakayahan dahil sa simula pa lamang ay mahusay na ang performance nito sa public service.

Pangunahin aniyang tungkulin na iniutos niya kay Sec. Recto ay ang pagtataguyod ng ease of paying taxes at ang epektibong paggugol sa mga koleksyon ng gobyerno.

Naniniwala ang pangulo na ang anumang halaga ng buwis na binabayaran ng isang Pilipino ay kailangang matumbasan ng mas mahusay na serbisyo publiko.

Facebook Comments