Outgoing finance Sec. Diokno, babalik bilang miyembro ng BSP monetary board

Babalik bilang miyembro ng monetary board ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) si outgoing Finance Sec. Benjamin Diokno.

Ito ang kinumpirma ng Department of Budget and Management (DBM) matapos ianunsyo ng MalacaƱang na uupo nang kalihim ng Department of Finance (DOF) si Cong. Ralph Recto.

Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, si Diokno umano ang nagtatag ng pundasyon para sa economic transformation.


Sa kanyang pamumuno aniya sa economic development group ay naiahon ang ekonomiya sa pandemya at nagsilbing liwanag at gabay ng economic team.

Samantala, tiniyak din ng DBM ang buong suporta kay Recto bilang bagong kalihim ng DOF.

Facebook Comments