
Nakaalis na ang eroplanong sinasakyan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. patungong China para dumalo sa 33rd APEC Economic Leaders’ Meeting and related activities.
Isang araw ito matapos ang matagumpay na 49th Asean Summit and Related Summits na isinagawa sa bansa mula noong Linggo.
Ayon kay PBBM, bilang chair ng Asean ngayong taon ay ibibida niya sa APEC ang resulta ng nagdaang summit gaya ng ASEAN Digital Economy Framework Agreement na unang region-wide digital economy agreement sa buong mundo.
Sinabi pa ng Pangulong Marcos Jr. na iisa ang layunin ng Asean at APEC partikular ang pagbuo ng bukas at inklusibong rehiyon na magreresulta sa pag-unlad.
Nakatakda namang makipagpulong ang pangulo sa iba’t ibang leaders at business community sa sidelines para makahatak pa ng mga mamumuhunan sa Pilipinas.
Tatalakayin din daw niya sa China ang para sa pagpapalawak pa ng kalakalan, investment at mga usaping makikinabang ang lahat sa kabila ng paninindigan sa interes ng bansa.










