PBBM, biyaheng Davao Oriental ngayong araw matapos ang 7.4 magnitude na lindol

Tutungo sa Davao Oriental si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong araw upang personal na alamin ang sitwasyon ng mga residenteng naapektuhan ng 7.4 magnitude na lindol noong Biyernes, Oktubre 10.

Layon ng pagbisita ng pangulo na tiyaking maayos ang kalagayan ng mga naapektuhan at agarang maihatid ang kinakailangang tulong mula sa pamahalaan.

Bibisitahin ng pangulo ang Davao Oriental Provincial Hospital sa bayan ng Manay at Davao Oriental Provincial Medical Center sa Mati City para malaman ang kondisyon ng mga nasugatan sa lindol at maging ng mga nasirang pasilidad ng ospital.

Tutungo rin si Pangulong Marcos sa Manay National High School bago tumulak sa evacuation center sa bayan ng Tarragona, para makita ang sitwasyon ng mga evacuee.

Samantala, magkakaroon din ng situation briefing sa Tarragona upang talakayin ang lawak ng pinsala at mga hakbangin ng lokal at pambansang pamahalaan sa relief at rehabilitation efforts.

Facebook Comments