PBBM, biyaheng Vietnam sa susunod na linggo

Tatalakayin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang usapin ng seguridad ng pagkain, agricultural cooperation, at kalakalan sa kaniyang state visit sa Vietnam sa susunod na linggo.

Ayon kay Foreign Affairs Assistant Secretary Aileen Mendiola-Rau, ang state visit ng pangulo ay bahagi ng commitment nito na tiyakin ang food security sa bansa dahil matagal nang magkasosyo ang Vietnam at Pilipinas pagdating sa rice requirement ng bansa.

Inaasahang makapagsasara rin ito ng kooperasyon sa larangan ng defense at security, maritime, agriculture, at people-to-people relations.


Target ng Pilipinas at Vietnam na pataasin ang bilateral trade nito hanggang $10 billion sa mga susunod na taon.

Nakatakdang bumiyahe patungong Vietnam sina Pangulong Marcos at First Lady Louise Araneta-Marcos sa January 29-30, 2024, kasunod ng imbitasyon ni Vietnamese President Vo Van Thuong.

Ito ang unang official trip ni Marcos ngayong 2024.

Facebook Comments